Ratings ni Pangulong Marcos tumaas, VP Sara bumagsak

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte answer questions from the media during the kickoff of Brigada Eskwela 2023 at Victorino Mapa High School in Manila on August 14, 2023.
Photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Batay sa pinakahu­ling survey ng Tangere na tumaas umano ang sa­tisfaction at trust ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang bumagsak naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte.

Tumaas sa 47.3% ang satisfaction rating ni Marcos nitong Nob­yembre mula sa 46.9% na naitala noong Oktubre at umakyat naman sa 59.6 percent ang trust rating noong Nobyembre, mas mataas kumpara sa 59.3 percent na naitala noong Oktubre.

Habang lumagapak naman ang satisfaction rating ni Duterte sa 47.5 percent noong Nobyembre kumpara sa 48 percent na naitala noong Oktubre maging ang kanyang trust rating ay bumaba rin sa 55.5 percent mula sa 56 percent noong Oktubre.

Tumaas naman ang satisfaction ratings ni House Speaker Martin Romualdez na mula sa 46.8 percent na naitala noong Oktubre, tumaas ito sa 47.3 percent noong Nobyembre habang ang trust rating naman ay umakyat mula sa 57 percent at naging 57.4 percent.

Nakakuha rin ng mataas na ratings si ­Senate President Chiz Escudero matapos pumalo sa 52.5 percent ang satisfaction rating at 61.3 percent ang trust rating.

Ang survey ay ginawa noong Nob­yembre 19 hanggang 22 gamit ang mobile-based application sa 2,000 respondents.

Show comments