MANILA, Philippines — Isang estudyante ang nasawi nang mahulog mula sa kanyang tinutuluyang condominium kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), alas-3:17 ng madaling araw kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si “Esci”, 18 sa canopoy ng ika-6 palapag ng isang condominium sa EDSA, Brgy. Katipunan. QC.
Isang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima kaya agad itong humingi ng tulong sa mga pulis.
Nadiskubre rin ang umano’y suicide note at ilang bukas nang blister pack ng cetirizine tablets. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.