VP Sara kay Pangulong Marcos: Magpa-drug test tayo!

MANILA, Philippines — Hinamon ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpa-drug test kasama ang ilang government officials na umaatake sa opisina ng Vice President. 

Ayon kay Duterte na siya ay inaakusahan na wala sa katinuan kaya naman ay handa siyang sumailalim sa psychological, neuropsychiatric, at drugs tests kasama si Pangulong Marcos na sumailalim sa drug test.

“Sinabi nila na ako daw ay krungkrung; ako daw ay baliw; ako daw ay wala sa tamang pag-iisip. Ano ba ang sabi ko sa lahat? Psychological test, Kahit ano yan. Neuropsychiatric test, kahit ano pang test yan gagawin ko yan. Dagdagan ko pa nang drug test,” wika ni Duterte.

“Pero dapat magpa- drug test ang lahat ng nagtatrabaho sa Office of the President, Office of the Vice President, sa lahat ng opisina ng Senado, sa lahat ng opisina ng House of Representatives, sa lahat ng departamento ng ating bayan, ng ating pamahalaan,” dagdag pa nito.

“Magpa-drug test tayong lahat sa harap ng taong bayan. Magpapadrug test kaming lahat. Simulan namin sa Office of the Vice President,” wika ni Duterte.

“Ako ang ginagawa ninyong punching bag para hindi napapansin, nakikita, at naririnig ng mga tao ang kalokohan, ang korapsyon, at ang katiwalian sa gobyerno,” dagdag ni Duterte.

“Ayaw nila tayong tigilan dahil hindi tayo sumusunod sa kanila. Hindi tayo nabibili ng pera,” dagdag pa nito.

Show comments