Brig Gen. Aberin, bagong NCRPO chief

MANILA, Philippines — Nagtalaga na ang Phi­lippine National Police ng bagong regional director ng National Capital Region Police Office sa katauhan ni Brig. Gen. Anthony Aberin si Maj. Gen. Sidney Hernia bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa inilabas na order ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, papalitan ni Aberin, dating director ng Police Regio­nal Office (PRO)-Central Visayas. ang nasibak na si Maj. Gen. Sidney Hernia bilang NCRPO chief.

Ililipat naman si Hernia bilang commander of the Area Police Command (APC)-Southern Luzon.

Oktubre 9 nang italaga si Hernia bilang NCRPO chief subalit tinanggal sa puwesto nitong Nobyembre 7 matapos na masangkot sa raid ng umano’y isang scam hub sa Maynila. Na-relieved rin si Anti-Cybercrime Group chief Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga.

Ipupuwesto naman si Cariaga sa APC-Northern Luzon kapalit ni Brig. Gen. Arnold Ardiente na muling itinalaga  PRO-12 (Soccsksargen).

Show comments