MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na bigyan ng sapat na budgetary support ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at ang National Amnesty Commission (NAC) upang maitiyak na maipatutupad ang full reintegration ng mga dating rebelde sa kani-kanilang komunidad.
Binigyan-diin ni Dela Rosa sa Senate plenary deliberations ng proposed P6.352 trillion national budget para sa susunod na taon ang pangangailangang isulong ang paglalaan ng kaukulang pondo sa dalawang nabanggit na ahensiya.
Sa ilalim ng Senate version ng 2025 General Appropriations Bill (GAB), ang OPAPRU ay bibigyan ng P7.094 billion kung saan mahigit sa P5 billion ang gagamitin para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) projects. Bagama’t may ilang pumupuna sa umano’y overlapping ng PAMANA sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC).
Ipinaliwanag naman ni Dela Rosa, kailangan pa ring tugunan ang budget para sa maayos na mga programa ng OPAPRU, kabilang ang pagpapasagawa ng infrastructure projects na pamamahalaan ng municipal o provincial level.
Kumpara sa NTF-ELCAC BDP na ang tanging para lamang sa former rebels mula sa hanay ng New People’s Army (NPA), habang ang PAMANA program ay pinakikinabangan ng lahat ng ex-combatants mula sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.
Ayon kay Dela Rosa, na siyang tumayong budget sponsor of the OPAPRU, sakop ng programa ng huli ang social protection projects, roads and bridges, water supply systems, flood control systems, evacuation centers, at fish ports sa 13 regions, 31 provinces at 38 municipalities.