6 rebeldeng NPA napatay sa engkuwentro

MANILA, Philippines — Patay ang anim na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makaengkuwentro ang tropa ng militar sa isang liblib na lugar sa Candoni, Negros Occidental nitong Huwebes ng umaga.

Sa report ni Major Gen. Marion Sison, Commander ng Army’s 3rd Infantry Division (ID), bago naganap ang engkuwentro, alas-3:43 ng madaling araw ng mga tauhan ng Army’s 47th at 15th Infantry Battallion (IB) at armadong rebelde mula sa nalalabing miyembro ng South West Front (SWF), Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS) sa Barangay Gatuslao ng nasabing bayan ay nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo hinggil sa armadong presensiya ng mga rebelde sa lugar.

Sa pagresponde ng mga sundalo ay agad nakasagupa ang grupo ng mga armadong komunista na nangingikil sa mga residente at dito ay agad nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng mahigit 40 minuto na ikinasawi ng anim sa hanay ng mga kalaban.

Narekober sa encounter site ang bangkay ng mga napaslang na rebelde, mga matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng limang M16 rifles, dalawang AK-47 rifles at isang M653 rifle.

Show comments