MANILA, Philippines — Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na maaaring bigyan ng clemency ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Mary Jane Veloso kapag nakakulong na sa Pilipinas mula sa Indonesia.
Naniniwala rin si Escudero na ikokonsidera ni Marcos ang pagpapalaya kay Veloso na sasailalim na sa jurisdiction ng justice system ng bansa.
Nilinaw ni Escudero na dadaan pa rin sa prosesong legal at diplomatiko ang posibleng pagbibigay ng clemency kay Veloso.
Ipinunto ni Escudero na ang mahalaga ay nailigtas si Veloso sa death penalty at sa huli ay maaaring tuluyang makalaya.
Bagaman at maibabalik na sa bansa si Veloso na nahatulan ng death penalty dahil sa drug trafficking, makukulong pa rin ito sa Pilipinas.
Iginiit naman ni Sen. Risa Hontiveros na dapat matiyak na magiging ligtas sa bansa si Veloso na maaaring balikan ng sindikato na naging sanhi nang pagkakakulong niya sa Indonesia.