Daming floating generals
MANILA, Philippines — Planong ayusin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang isyu sa promotion sa Philippine National Police (PNP) kabilang ang Civil Service Commission rule kung saan nakasaad na eligible para sa promotion kada tatlong taon ang mga police personnel.
Ayon sa kalihim, dahil sa alintuntuning ito, tila naging ‘bloated’ na ang PNP sa dami ng heneral kaya maraming floating na generals at walang direktibang command o tungkulin.
Dahil dito, itinutulak ng kalihim ang promotion na nakabase sa merit, pangangailangan at tungkulin.
Mahalaga aniyang magkaroon ng maayos na diskusyon sa PNP para makapaglatag ng mas malinaw na responsibilidad sa mga napo-promote na opisyal sa pambansang pulisya.
Kasama rin sa plano ng kalihim ang itaas ang antas ng kwalipikasyon para sa mga aplikante ng PNP at magbigay ng scholarships sa graduates ng PNP Academy para sa mga nais magtuloy sa law school.