MANILA, Philippines — Hindi na naisalba ng mga doctor ang isang lalaki nang pagtulungang saksakin ng nakaalitang dalawang tambay kahapon ng umaga sa Quezon City.
Kinilala ang nasawing biktima na si Orlan Martillosa Ocampo, 22, residente ng Pampanga St., Barangay Payatas-B, Quezon City.
Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina alyas Aped, 20 at alyas JM, 19 kapwa residente ng Brgy. Payatas B, na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detectioon Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong-alas 6:55 ng umaga sa panulukan ng Alley 1 at Bulacan St., Barangay Payatas-B, ng naturang lungsod.
Lumilitaw na lumapit ang lasing na biktima sa grupo ng mga suspek hanggang sa humantong sa pagtatalo at suntukan.
Kasunod nito pinagtulungan din ng mga suspek na saksakin ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa bumagsak sa semento.