Bebot na sinaksak ng 25 beses, mister ang suspek

Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng 25 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Janilyn Quinto, 29, residente ng Barangay 30, Pasay City.

Naaresto na

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga otoridad ang rider na suspek na umatado ng saksak sa isang 29-anyos na babae sa Las Piñas City, noong Nobyembre 18.

Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng 25 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Janilyn Quinto, 29, residente ng Barangay 30, Pasay City.

Kinilala naman ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang nadakip na suspect na dating asawa ng biktima na si Dennis Austria Quinto, residente ng Galas, Quezon City.

Batay sa ulat, nangyari ang pananaksak  alas-12:00 ng tanghali sa harap ng isang nakatayong tent sa bakanteng lote sa Gatchalian Road, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Ayon kay Tafalla, kanilang sinimulan ang imbestigasyon ng kaso sa nakuhang cellular phone ng biktima kung saan nadiskubre na huling nakausap ng biktima ang kanyang dating asawa.

Nalaman lamang ang pagkakakilanlan ni Janilyn nang tumawag sa cellular phone nito ang Shopee delivery na nagsabing dalawang araw na niyang kinokontak ang biktima ngunit hindi ito nasagot.

Nang magsagawa ng follow-up investigation ang mga imbestigador ay nagtungo ang mga ito sa bahay ng biktima sa Pasay at tiyempo naman na dumating din ang suspect, alas-3:00 ng hapon sa lugar na nagresulta ng pagkakaaresto.

Show comments