Rider na ‘di nagbibigay ng sukli, binalaan ng DTI
MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang sinumang motorcycle taxi rider na hindi magbibigay ng sukli sa kaniyang pasahero na mahaharap sa multa at posibleng masuspendi ang lisensya.
Ang babalang ito ay matapos na mag-viral sa socmed ang post ng Move It rider na hindi siya nagbibigay ng tamang sukli sa kaniyang mga pasahero.
Batay sa post ng rider, sinasabi niya na wala siyang barya kung P30 pababa ang dapat isukli sa pasahero kahit meron naman talaga siyang panukli. Ang naiipong sukli ay ginagamit ng rider na pangkain.
Ngunit sinabi ng DTI na bawal ang gawaing ito sa ilalim ng Republic Act 10909 o No Shortchanging Act of 2016, na nagmamandato na eksakto ang dapat ibigay na sukli sa mga customer.
Saklaw ng batas ang mga ride-hailing app kahit wala pa sila noong isabatas ito, dagdag pa ng DTI.
Ayon sa DTI, ang paglabag sa nasabing batas ay may parusang multa at suspension ng lisensya para makapag-operate. Sa ika-apat na paglabag, kakanselahin na ang permit ng negosyo para makapag-operate at sa ikaapat na paglabag, kakanselahin na ang permit ng negosyo para makapag-operate.
Sinabi ng Move It rider na hindi siya hihingi ng paumanhin sa mga nagalit na netizens.
- Latest