Kelot kulong sa online selling sa mga bagets
MANILA, Philippines — Hinatulan ng Manila Regional Trial Court ang isang 54-anyos na lalaki na napatunayang lumabag sa Republic Act No. 11930, o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials.
Ang akusado na si Blondie ay hinatulang mabilanggo ng 2 hanggang 6 na taon na pagkabilanggo batay sa desisyon ng korte nitong Setyembre 24, 2024
Si Blondie, ay inaresto ng Women and Children Cybercrime Protection Unit (WCCPU) ng PNP ACG sa bisa ng cyber warrant nitong Agostot 19, 2024 sa Manila.
Modus ni Blondie na i-video ang kanyang pakikipagtalik sa mga “bagets” kapalit ng P300 at pagkatapos ay ibebenta naman ang mga video na may titulong “Bagets Video” sa halagang P1,000 hanggang P3,000.
Bukod sa kulong pinagbabayad din ang suspek ng P30,000.00 civil liabilities sa dalawang menor-de-edad na biktima. Naglabas din ang korte ng Permanent Protection Order laban sa suspek.
- Latest