Kandidatong mayor at vice mayor tinodas

Sa inisyal na pagsisiyasat, nagkaroon ng argumento ang biktima at  suspek sa hindi pa malamang dahilan at sa gitna nang mainitang pagtatalo ay bumunot ng baril ang suspek at pinutukan ang kanyang kapatid sa ulo at katawan saka mabilis na tumakas.

MANILA, Philippines — Isang kandidatong mayor at vice mayor ang nasawi nang pagbabarilin sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Capiz at South Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang nasa­wing mayoralty candidate sa  Dumalag, Capiz na si Sonny Felarca, 60  barilin ng sarili nitong kapatid na si Walter, 58 kapwa residente ng Barangay Duran ng nabanggit na lalawigan, kamakalawa.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nagkaroon ng argumento ang biktima at  suspek sa hindi pa malamang dahilan at sa gitna nang mainitang pagtatalo ay bumunot ng baril ang suspek at pinutukan ang kanyang kapatid sa ulo at katawan saka mabilis na tumakas.

Gayunman makalipas ang ilang oras, sumuko rin ang  suspek. Tinitignan ng pulisya ang matagal nang alitan ng magkapatid na motibo ng pamamas­l­ang.

Samantala, nasawi rin ang tumatakbong vice- mayor ng Tantangan, South Cotabato na si Jose Osorio nang pagbabarilin sa loob ng kanyang bakuran.

Sa ulat ng pulisya, pinasok ng isang armadong lalaki ang bakuran ng biktima sa Barangay Bukal Pait at pinaputukan ng anim na beses bago tumakbo palayo.

Si Osorio ay chairman ng Barangay Bukal Pait at naghain na sa Commission on Elections ng ­kandidatura sa pagka-vice mayor ng Tantangan, hindi kala­yuan sa Koronadal City.

Show comments