^

Police Metro

Duterte: Bagong attack dog ng Malacañang si Trillanes

Gemma Garcia - Pang-masa
Duterte: Bagong attack dog ng Malacañang si Trillanes
Former President Rodrigo Duterte attends the Senate hearing into his war on drugs campaign on Oct. 28, 2024.
The Philippine STAR / Jesse Bustos

Hallucination lang – Palasyo

MANILA, Philippines — “Alam mo mahirap pumatol sa ganyang hallucination.”

Ito ang maiksing sagot ni Executive Secretary Lucas Bersamin makaraang hingan ng reaksyon sa na­ging pahayag ng dating pangulo na posibleng may basbas umano ng Palasyo sa panibagong pag-atake sa kaniya ni Trillanes.

Guni-guni ang hinala ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si dating senador Antonio Trillanes ang panibagong attack dog ng Malacañang.

Tumanggi na ang kalihim na magsalita at ayaw patulan ang duda ng da­ting Presidente.

Lumutang ang hinala ni Duterte na attack dog ng Palasyo si Trillanes dahil hindi umano gagalaw ito kung walang nasa likod nito dahil wala na umanong pera ito.

Dahil dito, planong kasuhan ng libel ni Duterte si Trillanes dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at sa kaniyang pamilya kaugnay sa malaking pera nito sa bangko na mula umano sa illegal na droga.

ANTONIO TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with