US nagbigay ng $1 milyong ayuda sa Pinas

This handout photo taken on November 15, 2024 and received courtesy of the Bloggers of Tuguegarao Facebook page shows an aerial view of a destroyed bridge in Gonzaga town, Cagayan province, a day after Typhoon Usagi hit the province. Typhoon Usagi blew out of the Philippines early on November 15 as another dangerous storm drew closer, threatening an area where scores were killed by flash floods and landslides just weeks ago, the weather service said.
Photo by handout/Bloggers of Tuguegarao Facebook page/AFP

MANILA, Philippines — Isang milyong dolyar na ayuda ang ibinigay ng Amerika sa Pilipinas para sa mga nasalanta ng magkakasunod na mga bagyo.

Ito ang inihayag ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.

Maliban dito, nagpaabot din ng pakikiramay si Austin sa mga nasawi ng mga magkakasunod na bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika at Ofel na tumama sa bansa.

Kasabay nito, binigyan din aniya niya ang US troops at lahat ng tropang Pilipino para makapagligtas ng buhay sa mga mamayang Filipino.

“Mr. President, I have authorized US troops and all the Philippine forces to provide life-saving aid to the Filipino people. The US have also secured another million dollar in urgent humanitarian aid and that will enhance the work of the USAID and the World Food Programme,” pahayag pa ni Austin.

Bukod pa aniya ang pinansyal na ayuda sa suplay na ibinigay ng Amerika para sa mga biktima ng bagyo.

“So I hope together, perhaps, especially the past 40 years has enabled our alliance to grow stronger and better, Mr. President. And you mentioned the exercise, it was your vision a while back, for these sites to be used to do exactly what you’ve described,” pahayag ni Austin.

Ikinagalak naman ni Austin na naging bahagi ang Amerika sa pagtulong sa Pilipinas.

Sa panig ni Pangulong Marcos, sinabi nito na sinusuri pa ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga apektadong residente at ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Show comments