225 estudyante nalason sa spaghetti

Bowl of spaghetti stock photo.
Pixabay

MANILA, Philippines — Nasa 225 estudyante ang dinala sa ospital matapos ma-food poison dahil sa pagkain ng sirang spaghetti na inihain sa isang pagtitipon sa main campus ng Guimaras State University (GSU) sa bayan ng Buenavista, Iloilo City, kamakailan.

Sinabi ni officer-on-case na si Police Master Sgt. Salvacion Soberano na nangyari ang food poisoning incident sa Business Innovators’ Zone Convention ng College of Business and Management noong Nobyembre 15.

Sinabi ni Soberano na dinala ang mga biktima sa Dr. Catalino Gallego Nava Provincial Hospital sa bayan ng Jordan nang magpakita ng sintomas ng food poisoning simula Biyernes ng gabi.

Kinumpirma at iniugnay ng GSU ang insidente sa “pagkaing inihanda ng isang outside caterer.”

Idinagdag ng unibersidad na nakikipagtulungan sila sa mga otoridad sa masusing pagsisiyasat sa insidente at nangakong gagawa ng mga hakbang upang hindi na maulit ang mga katulad na insidente.

Show comments