Pangulong Marcos sa DOE: Sapat na supply ng langis, kuryente tiyakin
Sa mga lugar na tatamaan ng super typhoon
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) na tiyakin na sapat ang suplay ng langis sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Pepito.
Maliban sa suplay ng langis, nais din masiguro ni Pangulong Marcos na may sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan at kuryente.
Maliban sa Pepito, tumama rin sa bansa ang nagkakasunod na bagyong Marce, Nika, At Ofel.
Subalit sa kabila nito, sapat naman ang suplay ng langis sa mga tinamaan lugar tulad ng Ilocos, Cagayan Valley regions at Cordillera Administrative Region (CAR).
Maliban dito nagpatupad na rin ang pamahalaan ng price freeze sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene products.
Mananatili ang price freeze ng 15 araw kapag nagdeklara ng state of calamity.
Nasa ilalim na ng state of calamity ang Cabagan, Isabela; Dilasag, Aurora; at Paracelis, Mountain Province.
- Latest