MANILA, Philippines — Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 24-anyos na babaeng criminology sa loob ng kanyang tinutuluyang boarding house sa Polinar Village, Purok-17, Hagkol, Valencia City, Bukidnon.
Sa inisyal na report ng Valencia City Police Station, kinilala ang biktima sa alyas na ‘Maymay, residente ng Malaybalay City, at 4th year graduating student.
Nakahandusay at may bula pa sa bibig ang biktima nang matagpuan ng kanyang landlord sa unit nito.
Ayon sa mga kaklase, pitong araw nang hindi pumapasok ang biktima sa eskwelahan at blangko pa rin ang mga otoridad, maging ang pamilya ng biktima sa dahilan ng pagkasawi nito.