^

Police Metro

Digong hinamon ang ICC na mag-imbestiga na sa war on drugs

Joy Cantos - Pang-masa
Digong hinamon ang ICC na mag-imbestiga na sa war on drugs
Nanumpa sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang abogado na si ­Martin Delgra nang dumalo kahapon sa pagdinig ng House of Representatives na nag-iimbestiga sa war on drug ng kanyang administrasyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) na pumunta kaagad sa Pilipinas para imbestigahan siya sa mga umano’y human rights violation sa kampanya laban sa droga.

“I am asking the ICC to hurry up and if ­possible, if they can come here and start the investigation tomorrow(November 14),” ayon kay Duterte nang matanong naman ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kung handa itong humarap at makipagkooperasyon sa imbestigasyon ng ICC hinggil sa pagkasawi ng maraming Pilipino kabilang na ang mga inosenteng sibilyan sa implementasyon ng drug war ng nakalipas nitong administrasyon mula  Hulyo 2016 hanggang Mayo 2022.

“Baka mamatay na ako, hindi nila (ICC) ako maimbestigahan. That’s why I am asking the ICC through you na magpunta na sila dito,” tugon ng 79 anyos na si Duterte dahilan matagal na aniya ang nasabing isyu.

Sa kuwestiyon naman ni Kabataan Party­list Rep. Raoul Manuel, sinabi ni Duterte na bigyan siya ng pera at siya na mismo ang magtutungo sa ICC para sa imbestigasyon kaugnay naman ng isyu ng hurisdiksyon sa pagtungo sa Pilipinas.

“ Ako na mismo punta dun pero sabi ko ginawa ko para sa bayan, para sa mga anak natin, you never know the sacrifice of the parents , you never know the mystery, you never know the suffering of the parent,” ani Duterte na sinabing pinag-aral ang anak mula kinder, elementarya hanggang high school at pagdating ng college ay nabaliw sa droga kaya talaga papatayin niya ang mga drug lords.

Ayon kay Duterte, handa niyang harapin kung anuman ang kahihinatnan ng imbestigasyon ng ICC at kung sakaling mapatunayan aniya na guilty siya ay makulong at mabulok sa piitan.

Sa tala ng PNP, umaabot sa 6,000 ang napatay na mga drug personalities sa drug war ni Duterte pero sa rekord ng mga human rights group ay aabot ito sa mahigit 30,000.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with