MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey ng ‘Boses ng Bayan’ para sa ikatlong kwarter ng RPMD Foundation Inc. ay nagpapakita ng matibay at tuluy-tuloy na suporta para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na may 76% na ‘trust rating’ at 74% ‘approval rating’.
Bagaman bahagyang bumaba ng 1% ang ratings, binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez na ang mga pagbabagong ito ay nasa loob ng margin of error, at sinabi niyang, “This stability signifies that Filipinos retain the same ‘heartbeat’ for the President’s leadership as seen in the previous quarter’s results.”
Kay Vice Pres. Sara Duterte ay nagpapakita ng pagbabago sa damdamin ng publiko na nakakuha ng 69% ‘trust rating’ at 63% ‘approval rating’, na bumaba ng 7% at 8%.
Ang disapproval ay tumaas sa 17% para sa ‘trust’ at 15% ‘job performance’, at mayroong 14% na undecided sa ‘trustworthiness’ at 22% sa performance.
Ayon kay Dr. Paul Martinez noted “that while her ratings remain above the majority threshold, these shifts highlight evolving public expectations that the Vice President may need to address.”
Nagpapakita rin ng malakas na suporta ang publiko para kina Senate President Chiz Escudero-69% trust rating at 67% job performance score. Habang si House Speaker Martin Romualdez, ay nakakuha ng 75% trust rating at 73% job satisfaction score.
Ang survey, na isinagawa mula Setyembre 20-31, 2024, sa 10,000 kalahok, na may +/-1% margin of error at 95% confidence level, ay nagbibigay ng maaasahang pananaw sa damdamin ng bansa.