^

Police Metro

Kandidatong vice mayor na wanted sa 20 bilang ng kasong murder, arestado

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 44-anyos na lalaki na miyembro ng New People’s Army (NPA) na tumatakbong vice mayor ang inaresto ng mga otoridad dahil sa mga kasong pagpatay.

Hindi na pumalag sa mga otoridad ang suspek na si alyas Pikoy, residente ng Brgy.Bagacay, San Jacinto, Masbate at kasapi ng NPA Bicol Regional Party Committee na tumatakbong vice mayor sa bayan ng San Vicente, Northern Samar sa darating na May, 2025 mid-term election.

Nabatid na ang suspek ay number 1 regional most wanted person dahil sa 20 bilang ng kasong murder simula noong taong 2014, 2016, 2020, 2021, 2022 at 2023; at 9-bilang ng kasong multiple ­attempted murder sa Regional Trial Court, 5th Judicial Region sa lalawigan ng Masbate.

Sa ulat na inilabas ng PRO5 sa pangunguna ni Regional Director Brig.Gen. Andre Perez Dizon, ang suspek ay nasa primary target sa “Coplan CN: Electro” at nasa listahan ng e-warrant system.

Kaya nang matagumpay na ma-locate ng intelligence operatives ang kinaroroonan nito ay agad bumuo ng ­arrresting unit at ala-1:00 ng hapon nang salakayin ang pinagtataguan nito.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with