^

Police Metro

200 kawani ng OVP mawawalan ng trabaho - VP Sara

Mer Layson, Malou Escudero - Pang-masa
200 kawani ng OVP mawawalan ng trabaho - VP Sara
Vice Preisdent Sara Duterte attends the House inquiry on her office's budget utilization on Sept. 18, 2024.
House of Representatives

MANILA, Philippines — Nasa P200 kawani ng Office of the President (OVP) ang posibleng mawalan ng trabaho kung hindi maibabalik ang P1.3 bilyong tinanggal ng House of Representatives (HOR) sa P2.026 bilyon panukalang pondo para sa 2025.

Ayon kay Vice Presidente Sara Duterte, kung matutuloy ang pagtapyas sa panukalang budget ay magsasara ang iba nilang satellite offices sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Approximately lang ito, 200 contract of service personnel, karamihan sa satellite offices. Meron din dito dahil malaki rin ang operations ng National Capital Office (NCR),” pahayag ng Bise Presidente sa panayam ng mga reporter.

Nakadepende aniya sa budget ang operasyon ng mga satellite offices.

Umaasa naman ang Bise Presidente na maibabalik ang inawas na pondo sa kanyang tanggapan para magtuluy-tuloy pa aniya ang trabaho ng ilang personnel ng OVP.

Dumalo si Duterte sa plenary deliberations ng Senado sa panukalang budget ng OVP na naaprubahan ng wala pang 10 minuto.

SARA DUTERTE - CARPIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with