MANILA, Philippines — Nauwi sa pamamaril ang kantiyawan sa Facebook ng magkakamag-anak na dating may alitan matapos magkapikunan ang mga ito kung saan dalawa ang nasawi habang dalawa ang sugatan, naganap kamakalawa sa Balabagan, Lanao del Sur.
Kinilala ang mga nasawi sa mga pangalang sina Mandih; at Nhor habang sugatan naman sina Abdul at Nash pawang magkakamag-anak at residente ng naturang lugar.
Sa report ng pulisya, bago ang barilan noong Linggo, nagkaroon ng tuksuhan sa post sa Facebook ang magkakamag-anak na ikinapikon ng kabilang dahilan para magbarilan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa at ikinasugat ng magpinsan.
Gumanti ang grupo ng mga nasawi at sinunog ang bahay at sasakyan ng kaalitang kaanak.