MANILA, Philippines — Dalawang drug dealer ang naaresto at nasamsam sa kanila ang nasa P5.7 milyon halaga ng shabu sa isang drug operation sa Barangay Santa Barbara sa Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, ang dalawang naarestong suspek na sina Nasser Ibrahim Usman, 63; at Frasel Saluay Sahibeini, 48.
Hindi na pumalag ang dalawang suspects nang arestuhin ng mga hindi unipormadong mga operatiba ng Zamboanga City Police Office at ng PRO-9 na kanilang nabentahan ng 850 gramo ng shabu sa isang lugar sa gilid ng Martha Drive sa Barangay Santa Barbara pasado alas-7:00 ng gabi at nakatakdang sampahan ng paglabag sa illegal drugs.