CREATE MORE Act nilagdaan na ni Marcos

MANILA, Philippines — Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act para i-promote ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination.

Ang CREATE MORE Act o Republic Act (RA) 12066, nilagdaan ni Pangulong Marcos sa isang sere­monya sa Palasyo ng Malakanyang, itinayo para sa game-changing economic reforms na ipinakilala sa ilalim ng CREATE law upang gawing mas ‘globally competitive, investment-friendly, predictable at accountable’ ang tax incentives regime ng bansa.

Tinuran pa ni Pangulo Marcos na ang paglagda sa RA 12066 ay nagpapahiwatig ng ‘unwavering commitment’ ng kanyang administrasyon para bigyang kapangyarihan ang sektor ng negosyo na palakasin ang kanilang ‘growth prospects.’

Sa ilalim ng CREATE MORE Act, ang maximum duration ng tax incentives availment ay extended ng 10 taon hanggang 27 taon mula 17 taon, para makahikayat ng ‘strategic at high-quality investments.

Ang Registered business enterprises (RBEs) sa ilalim ng pinahusay na deductions regime ay mapakikinabangan mula sa isang binawasan na corporate income tax rate na 20%.

Nagkaloob din ang bagong batas ng isang 100-% additional deduction sa power expenses para tapyasan ang halaga para sa manufacturing sector.

Show comments