^

Police Metro

Mag-asawa minartilyo na, kinatay pa!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Mag-asawa minartilyo na, kinatay pa!
Kinilala ng mga kapitbahay ang mga biktima sa alyas na “Rodrigo”, 68 taong gulang at alyas ‘Eme­lita”, 56-anyos, residente ng no. 2325 Interior 2, Pasig Line, Sta. Ana, Maynila.
STAR/ File

Pinasok sa bahay sa Maynila

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang “mag-asawa” nang pasukin ang bahay at pinaghahataw ng martilyo at sinaksak sa loob ng kanilang tahanan sa Sta. Ana Maynila, nitong nakalipas na Huwebes ng gabi.

Kinilala ng mga kapitbahay ang mga biktima sa alyas na “Rodrigo”, 68 taong gulang at alyas ‘Eme­lita”, 56-anyos, residente ng no. 2325 Interior 2, Pasig Line, Sta. Ana, Maynila.

Dalawa ang sinasabing suspek sa pamamaslang na isa ay isang alyas “Banjo”, 32-anyos.

Batay sa nakalap na impormasyon at kuha ng CCTV ng Barangay, alas 6:45 ng gabi ng Nobyembre 7 naganap ang krimen, at kinabukasan alas-6:40 ng umaga (Nob. 8) nang ma­diskubre ng pamangkin ng mga biktima ang insidente.

Nakitang wala nang buhay ang dalawa, na ang babae ay may tama ng martilyo sa ulo at ang kinakasamang lalaki na bukod sa may palo ng martilyo sa ulo ay may saksak pa sa likod.

Nakita sa CCTV ang aligaga ang mga suspek na mistulang tumityempo para pasukin ang bahay ng magka live-in.

Wala namang masabing motibo sa krimen subalit alam sa lugar na magulo ang bahay ng dalawa dahil sa pinupuntahan umano ng mga drug addict at ang isa sa suspek ay sinasabing dating nakatira sa lugar. Kakilala umano ng mga biktima ang isa sa suspek.

Lumalabas na nadiskubre ang krimen nang marinig ng mga kapitbahay na may kumakatok at naghahanap sa dalawang biktima. Nang mapadaan ang pamangkin ay sinabihan ng kapitbahay na may naghahanap subalit walang sumasagot.

Dito, pinasok ng pamangking lalaki ang bahay ng dalawa at doon na natuklasan ang brutal na pagpatay sa mga biktima

Narekober ng pulisya ang ginamit na martilyo sa krimen.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with