P1.9 billion dried tobacco, fake goods samsam
Mga bodega sa Bulacan ni-raid
MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.944 bilyong halaga ng mga dried tobacco, fake goods, used clothing, at iba pang items ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs’ (BOC) Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) sa isinagawa nilang pagsalakay sa ilang bodega sa Bulacan ngayong linggong ito.
Ang naturang mga operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng MICP-CIIS, sa mga bodega sa Guiguinto, Bulacan sa loob ng tatlong araw, sa suporta ng Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine Coast Guard (PCG).
“Big operations like these take a lot of time and resources but as a testament to the enduring commitment of our officers, we were able to inspect many warehouses in three days and come up with a staggering amount of the smuggled goods being stored there,” ani BOC Commissioner Bien Rubio.
Ang inspeksiyong isinagawa sa unang bodega noong Nob. 6, 2024 ay nagresulta sa pagkadiskubre ng suspected smuggled used clothing, used shoes, intellectual property rights infringing goods, branded bags, toys, electric fans, wireless speakers, steel sheets, plastic resins, housewares, kitchenwares, at iba pang general merchandise items.
Ayon kay CIIS Director Verne Enciso, ang mga naturang discoveries pa lamang ay umaabot na sa tinatayang P1.25 bilyon. Ang patuloy na inspeksiyon naman sa iba pang warehouse noong November 8, 2024 ay nagresulta sa pagkadiskubre ng mga nakasakong dried tobacco at cigarette filter rods na kayang gumawa ng P694.4 milyong 6,944 mastercases ng sigarilyo.
“Initially, the warehouse was closed when the team returned on November 8. There was also no representative to acknowledge the Letter of Authority (LOA). But with the barangay and compound representatives present, the team entered the warehouse and found raw materials to make tobacco,” anang director.
Pansamantalang nilagyan ng BOC team ng padlock ang mga naturang bodega, habang ang imbentaryo ng mga goods ay itatakda pa lamang at isasagawa ng assigned Customs examiners at sasaksihan ng CIIS, ESS, at storage representatives.
Gaya ng mga naunang operasyon, sinabi ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na ang mga may-ari ng mga bodega at operators ay bibigyan ng 15 araw mula sa pagsisilbi ng LOA upang magsumite ng mga dokumento at patunayang ang mga naturang imported goods ay lehitimong inangkat at naibayad ng tamang duties and taxes, alinsunod sa Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
- Latest