^

Police Metro

Pagsuko ng mga miyembro ng CPP-NPA, naantala

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil umano sa nala­lapit na 2025 midterm elections ay naantala ang pagsuko ng mga miyembro ng Communist Party of the Phi­lippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamahalaan.

Sinabi ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mahina na ang pwersa ng CPP-NPA sa bansa dahil sa ngayon ay 1,100 na lamang ang aktibong fighters mula sa 2,200 noong nakaraang taon.

Giit ni Torres, kara­mihan sa nasabing aktibong fighters ay nagpahayag ng pagnanais nilang sumuko subalit, naantala dahil sa nalalapit na eleksyon kung saan ang gawain nila ay mangolekta ng permit to campaign at permit to win sa mga kandidato.

Maging ang mga nagpapanggap aniya na mga NPA ay ganito rin ang gagawin para makakolekta ng salapi sa mga kandidato.

Kaya nanawagan si Torres sa publiko at sa mga kandidato na huwag magbibigay ng pera para sa kanilang permit to campaign o permit to win sa mga miyembro ng CPP-NPA at ipagbigay-alam agad sa mga otoridad.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with