MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang 17-anyos na Grade 11 student at isang high value indibidwal sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Taguig City at Parañaque City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Macoy”, na nasamsaman ng 18.2 gramo ng shabu na may standard drug price na P123,760.00.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police, alas-12:40 ng madaling araw nang madakip ang suspek sa aktong nagbebenta sa undercover police sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.
Sa Parañaque City, naaresto ang isang High Value individual (HVI) na si alyas “Kylie”, 26, na nahulihan ng iba’t ibang uri ng iligal na droga, alas-5:35 ng hapon sa Greenheights Avenue, Brgy. San Dionisio.
Nakumpiska ang 141 gramo ng cocaine, na may street value na P747,300.00, 153 gramo ng ketamine na may halagang P765,000.00, 274 gramo ng high-grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P411,000.00, 78 tableta ng ecstasy na may halagang P132,600.00, at narekober ang P1,000 bill at P64,000.00 boodle money na ginamit sa transaksyon ng mga otoridad.