Pangulong Marcos ‘di dadalo sa APEC Summit

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivers his speech at the APEC CEO summit at the George Moscone Convention Center in San Francisco, US on November 15, 2023.
(PPA Pool Photos by Marianne Bermudez)

MANILA, Philippines — Hindi dadalo si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Lima, Peru na itinakda sa Nobyembre 10 hanggang 16, 2024.

Ayon kay Presidential Communications ­Operations Office Acting Secretary Cesar Chavez, magpapadala na lamang ng kinatawan ang Pa­ngulo sa summit sa katauhan ni acting Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque na itinalaga ng Pangulo bilang Special envoy of the President to the Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ week.

Ayon kay Secretary Chavez, mas prayoridad ng Pangulo na harapin ang mga panloob na ­usapin ng bansa kabilang dito ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa naging epekto ng mga nagdaang kalamidad.

Show comments