P50 milyong ayuda ipinamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine sa CamSur

Due to the onslaught of the #KristinePH, Wawa Park in Paete, Laguna, remains affected by flooding on November 1, 2024.

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng P10K tulong mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasa 5,000 magsasaka, mangingisda at pamilya nito na nasalanta ng bagyong Kristine sa Camarines Sur.

Sa kanyang pagbisita kahapon sa bayan ng Pili ay sinabi ng Pangulo na nais niyang makabangon muli ang mga nasalanta ng bagyo kaya naglaan ng P50 milyon ang kanyang tanggapan para ipamahagi sa biktima ng bagyo.

Tumanggap ng tig-P10 libo ang limang libong benepisyaryo sa Camarines Sur para sa mabilis na pagbangon at makabalik sa normal na pamumuhay.

Sinabi ng Pangulo na nagpupursigi ang gobyerno na maibalik sa normal na kondisyon sa lalong madaling panahon ang mga nasirang tahanan, imprastraktura at kabuhayan ng mamamayan.

Ipinaliwanag ni Marcos na ang matinding epekto ng climate change ang dahilan kaya nakakaranas na ng matinding pagbaha sa bansa at ma­ging sa iba’t ibang bansa kaya kailangang gumawa ng masusi at maagap na solusyon upang hindi muling mangyari ang pinsalang dala ng bagyo.

Show comments