Inflation rate noong Oktubre, bumilis sa 2.3% – PSA

Customers shop for vegetables in Kamuning Public Market
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o inflation rate sa bansa sa 2.3% noong buwan ng Oktubre.

Ipinaliwanag kahapon ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief USec. Claire Dennis Mapa na ang pangunahing dahilan ng uptrend o pagtaas sa kabuuang inflation noong nakalipas na buwan ay ang mas mabilis na taunang pagtaas sa heavily-weighted food at non-alcoholic beverages na pumalo sa 2.9% mula sa 1.4% noong Setyembre 2024.

Nag-ambag din sa pagtaas ng inflation ang transport na may mas mabagal na year-on-year na pagbaba na nasa 2.1% noong Oktubre 2024 mula sa 2.4% noong Set­yembre 2024.

Pagdating sa food inflation, ang pangunahing dahilan ng pagtaas nito ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo sa bigas na nasa 9.6% noong Oktubre mula sa 5.7% noong Set­yembre.

Sinabi naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang inflation rate ng bansa ay nananatiling pasok sa target sa kabila pa ng bahagyang pagtaas nito ngayong buwan.

Aniya, ang kama­kailang kalamidad na tumama sa bansa kabilang ang bagyong Kristine ay nagdulot ng epekto sa suplay ng pagkain at logistics.

Show comments