^

Police Metro

PAOCC spokesman Casio tinanggal sa pwesto

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggal sa pwesto si Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) spokesman Winston Casio matapos lumabas ang isang video ng kaniyang pananampal sa isang empleyado ng Central One sa Bataan na ni-raid noong nakaraang linggo.

Ito ang sinabi ni PAOCC executive director Usec. Gilberto Cruz matapos salakayin ang hinihinalang Philippine Offshore Gaming Ope­rations (POGO) hub sa Bataan na iniulat na sangkot sa human trafficking, scamming at iba pang ilegal na aktibidad.

Ang sinalakay sa Bataan, na tumatakbo mula noong Enero 2023, ay gumamit din umano ng mga kaduda-dudang gaming platform.

Sinabi rin kahapon ni Office of the Executive Secretary Lucas Bersamin na si Casio ay nasa ilalim ng administrative investigation at inatasang magpaliwanag sa pamamagitan ng pagsulat.

“I apologize to everyone in this ops. Nabahiran pa tuloy. I was not able to control myself sa ginawa sa bata at sa kaibigan ko na parang ate ang turing ko,” sinabi ni Casio.

Handa naman aniya si Casio na harapin ang kanyang naging aksyon.

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPE­RATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with