Rep. Duterte negatibo sa hair follicle drug test

MANILA, Philippines — Negatibo sa hair follicle drug test si Davao City Rep. Paolo Duterte na ipinakita sa media ang resulta ng test nitong Martes. May petsa itong Oktubre 28.

Ang sample ay kinuha ng Hi-Precision Diagnostics Center noong Oktubre 23 at ang “Hair 7 Drug Panel Test,” ay isinagawa ng Omega Laboratories, isang certified testing facility.

Sinusuri sa test ang presensya ng Amphetamine, Methamphetamine, Ecstasy, Cocaine/Metabolites, Codeine, Morphine, Heroin Metabolite, Hydrocodone, Hydromorphone, Oxycodone, Oxymorphone, Phencyclidine, THC Metabolite (Marijuana), Alprazolam, Clonazepam, Diazepam, Lorazepam, Nordiazepam, Oxazepam at Terna­zepam sa kinuhang sample.

Sumailalim sa drug test si Duterte matapos hamunin ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte ang lahat ng tumatakbo sa 2025 midterm elections na magpa-drug test.

Makakalaban ni Rep. Duterte si PBA party-list Rep. Margarita Nograles sa pagkakongresista ng unang distrito ng lungsod. Nagpa-drug test na rin si Nograles.

Show comments