Presyo ng gasolina may tapyas-presyo; diesel, kerosene tataas
MANILA, Philippines — Bababa ang presyo ng gasolina ngayong araw, ngunit tataas naman ang presyo ng diesel at kerosene.
Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Seaoil Philippines at Shell Pilipinas na babawasan nila ng P0.10 ang presyo kada litro ng gasolina.
Habang ang presyo ng diesel ay tataas ng P0.75 kada litro, at ng kerosene ng P0.50 kada litro.
Ipapatupad ng Cleanfuel ang parehong mga pagbabago, hindi kasama ang kerosene na hindi nito dala.
Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes para ipatupad sa susunod na araw. Hindi pa naman naglalabas ang ibang mga kompanya.
Sinasabing ang epekto sa nagdaang apat na araw na bentahan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng dagdag-bawas sa presyo ng oil products.
- Latest