^

Police Metro

Romualdez, pumangalawa sa approval at trust rating-survey

Joy Cantos - Pang-masa
Romualdez, pumangalawa sa approval at trust rating-survey
Speaker Martin Romualdez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pumangalawa na si House Speaker Martin Romualdez sa mga matataas na opisyal ng bansa, na may pinakamataas na approval at trust rating nitong Setyembre.

Ayon sa Tugon ng Masa Survey ng Octa Research mula September 4-7, nakakuha si Speaker Romualdez ng 65% approval habang 67% naman sa trust rating.

Nanguna pa rin si Pangu­long Marcos na may 66% approval at 69%-trust rating. Pangatlo si Senate President Chiz Escudero na may 62 approval at 61 trust rating.

Ang dating pangalawa naman sa puwesto sa approval at trust ratings na si Vice President Sara Duterte, ay laglag na sa ikaapat na pwesto na nakakuha ng 52 % approval at 57% trust rating.

Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo naman ay nakakuha ng approval rating na 14% habang 15% naman ang trust rating nito.

Tingin ng ilang political analysts, may kinalaman ang pagbagsak ng rating ni VP Sara sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan niya tulad ng hindi maipaliwanag na paggasta ng kanyang confidential at intelligence fund. Idagdag pa diyan ang pambabastos niya sa mga hearing sa kongreso at senado nitong nagdaang buwan at mga pahayag na huhukayin ang bangkay ng dating Pangulong Marcos saka itatapon sa West Philip­pine Sea at pupugutan ng ulo si PBBM.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with