Tulfo sa DMW: Ipantay ang sahod ng Pinoy seaman sa ibang lahi

ACT-CIS partylist representative Erwin Tulfo answers media questions during the Kapihan sa Manila Bay forum in Malate, Manila on February 21, 2024.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hiniling ni Deputy Majority leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) na pantay o parehas ang sahod ng mga Pinoy seaman at iba pang propesyon sa ibang mga lahi sa kanilang mga kontrata.

“Matagal nang nakakarating sa aking tanggapan ang reklamo na ito pero walang magawa ang mga kababayan natin dahil hindi naman mga choosy tayong mga Pinoy,” ayon kay Cong. Tulfo.

Aniya, “I encourage ang DMW natin na siguruhin na hindi dehado mga kababayan natin pagdating sa sahod at benepisyo”.

Suhestiyon naman ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap na kausapin ng DMW ang mga manning, placement, at recruitment agencies hinggil dito.

Idinagdag pa ni Yap na hindi lang sa mga seaman nangyayari ito maging sa land based contract tulad ng engineers, accoun­tants, draftsman at iba pa tila mas mababa ang sweldo ng mga Pilipino kaysa sa mga ibang lahi.

Uminit ang isyu hinggil sa sahod ng mga seafarers matapos mapabalita kamakailan na isang seaman ang nagdemanda sa korte sa The Netherlands para ipantay ang sahod nila sa mga Europeans.

Show comments