Bebot nakuryente sa pagkuha ng mangga sa puno

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 22-anyos na babae nang makuryente habang nangunguha ng mangga sa isang puno sa Barangay Libertad sa Butuan City nitong tanghali ng Sabado.

Sa ulat ng Butuan City Police Office, nasawi ang biktimang si Mary Joy Atibago habang ito ay isinasalba ng mga emergency responders na mga pulis at mga kasapi ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa pulisya, inakyat ni Atibago ang mataas na puno ng mang­ga sa isang bakuran sa Palacat Village sa Barangay Libertad upang manguha nang masagi ng kanyang gamit na pangsungkit na stainless steel rod na may maliit na kalawit sa dulo ang isang high tension power line sa ibabaw nito at nakuryente.

Show comments