Nobyembre 4, idineklarang National Day of Mourning

Relatives spend their final minutes before burying 10 of 20 landslide victims at Talisay Public Cemetery in Batangas on Tuesday (Oct. 29, 2024). The tragedy in Barangay Sampaloc occurred during the onslaught of Severe Tropical Storm Kristine on Oct. 24.
PNA photo by Joan Bondoc

Dahil sa mga nasalanta ni ‘Kristine’

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos J rang Nobyembre 4 bilang National Day of Mour­ning sa mga nasalanta ng bayong Kristine.

Sa Proclamation No. 728 ng Pangulo, ina­atasan nito  ang lahat ng establisimyento na may bandila na ilagay ito sa half mast.

Maliban dito, hinihikayat din ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga biktimang naapektuhan ng kalamidad.

Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Pangulo nitong Oktubre  30.

Base sa datos na nakapaloob sa inilabas na proklamasyon, umaabot sa mahigit 1.7 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyong Kristine habang nasa mahigit 100 katao ang naiulat na nasawi.

Show comments