‘Di binigyan ng medical certificate Japanese nang-harass ng doc, nandura ng mukha ng sekyu!

This photo shows a picture of a hand in handcuffs.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Japanese national matapos na inireklamo ng isang doktor sa pangungulit na bigyan siya ng medical certificate para makapagbakasyon ng mahaba, at ng isang security guard na dinuraan nito sa mukha sa Antipolo City, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, alas-10:45 ng umaga ng Nobyembre 1, nang arestuhin ang suspek na si alyas “Ayumu”, sa reklamong Unjust Vexation, Light Threats at Slander by Deed nina Dr. Vanessa Castano, 38-anyos at security guard Allan Pernada na naka-duty sa Clinica Antipolo, sa Sumulong St., Barangay Dela Paz, Antipolo.

Dumating umano sa klinika si Ayumu at inire­reklamo na sumasakit ang tiyan at kanang pulso na natamo umano sa road crash ng umagang iyon.

Pilit na nagpapagawa ang suspek ng medicial certificate na may nakalagay na kailangan ang mahabang pahinga na hindi pinagbigyan ng doktor dahil kailangan pang dumaan sa karagdagang diagnostic examination.

Tumalikod na ang doktor subalit sinundan siya ng suspek at sinisigawan na ang doktor ng magkalapit na ang kanilang mukha kaya tinawag na ang security guard.

Pinipigilan ng sekyu ang dayuhan na patuloy sa pagwawala hanggang sa duraan siya sa mukha kaya nagparesponde na sa mga pulis.

Show comments