Pangulong Marcos ayaw pag-usapan tungkol kay VP Sara

MANILA, Philippines — Ayaw nang pag-usapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa kanila ni Vice President Sara Duterte partikular ang relasyon nila bilang pinakamataas na mga opisyal ng bansa.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Libingan ng mga Bayani matapos dumalo ng misa para sa kaniyang yumaong amang si Ferdinand E. Marcos, maiksi lang ang isinagot ng Pangulo nang tanungin patungkol sa pangalawang Presidente.

“Let’s talk about it some other time,” ang maiksing sagot ng Presidente.

Matatandaang nagsalita si VP Sara laban sa Pangulo noong nakalipas na dalawang linggo patungkol sa pamamahala ng Presidente sa bansa.

Tumanggi ring magkomento si Marcos Jr. sa pahayag ni VP Duterte na huhukayin nito ang bangkay ng ama na si da­ting Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan Ng Mga Bayani kung hindi pa rin titigil ang mga pag-atake laban sa kanya.

Hindi naman ito pinatulan ni Pangulong Marcos Jr. at mas piniling manahimik kaysa sumagot sa Pangalawang Pa­ngulo.

Show comments