Bagbag Cemetery, nasunog sa araw ng Undas

A resident at Bagbag Public Cemetery douses the apartment tombs affected by a fire with a bucket of water on Nov. 1, 2024.

MANILA, Philippines — Nasunog ang bahagi ng mga apartment tomb sa Bagbag Public Ceme­tery sa Quezon City, sa sunog na sumiklab sa mismong Undas, kahapon.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa lugar ng mga informal settler sa gilid ng sementeryo bandang alas-9:00 ng umaga.

Mabilis itong kumalat at itinaas sa unang alarma bandang 9:02 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto ay iniangat ito sa ikalawang alarma at idineklarang fire under control bandang 9:45 ng umaga.

Idineklara naman itong fireout pagsapit ng alas-10:17 ng umaga.Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

Show comments