Isa o 2 bagyo papasok ngayong Nobyembre — PAGASA

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Benison Estareja, kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang 2 bagyo, tatawagin itong bagyong Marce at Nika na nasa kategor­yang typhoon o super typhoon.
pagasa.dost.gov.ph

MANILA, Philippines — Maaaring pumasok sa bansa ngayong buwan ng Nobyembre ang isa o dalawang bagyo.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Benison Estareja, kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang 2 bagyo, tatawagin itong bagyong Marce at Nika na nasa kategor­yang typhoon o super typhoon.

Anya kung pagbabasehan ang record ­simula noong 1948, karaniwang nagla-landfall ang bagyo tuwing buwan ng Nobyembre sa Luzon, Visayas hanggang sa Caraga region.

Matatandaang magkasunod. na sinalanta ng bagyong Kristine na ikinasawi ng 150 katao at bagyong Leon.

Show comments