Isa o 2 bagyo papasok ngayong Nobyembre — PAGASA
MANILA, Philippines — Maaaring pumasok sa bansa ngayong buwan ng Nobyembre ang isa o dalawang bagyo.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Benison Estareja, kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang 2 bagyo, tatawagin itong bagyong Marce at Nika na nasa kategoryang typhoon o super typhoon.
Anya kung pagbabasehan ang record simula noong 1948, karaniwang nagla-landfall ang bagyo tuwing buwan ng Nobyembre sa Luzon, Visayas hanggang sa Caraga region.
Matatandaang magkasunod. na sinalanta ng bagyong Kristine na ikinasawi ng 150 katao at bagyong Leon.
- Latest