^

Police Metro

Sinalakay na condo sa Maynila, ‘mother of all POGO hubs’ – PAOCC

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Sinalakay na condo sa Maynila, âmother of all POGO hubsâ â PAOCC
Drone shot shows buildings of a suspected illegal Philippine offshore gaming operator within the freeport zone in Bagac, Bataan .
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — “Mother of all POGO hubs”.

Ito ang turing ng Presidential Anti- Orga­nized Crime Commission (PAOCC) sa sinalakay nilang 40 palapag na condominium, kamakailan sa Adriatico, Maynila.

Ayon sa PAOCC, ang naturang condominium ay naging “taguan” ng ile­gal na mga aktibidad ng Philippine Offshore Ga­ming Operations (POGO) sa bansa, kabilang na ang mga dating nakabase sa POGO hub ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Lumilitaw na pagmamay-ari ng isang alyas Willy ang gusali na umano’y nagpapakilalang “untouchable” dahil sa malalakas na koneksyon sa ilang mga ahensya ng gobyerno.

Ipinagmamalaki rin umano ni Keng ang kanyang pagkakalapit sa da­ting Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre at iba pang opisyal ng Duterte administration.

Maraming palapag ng gusali ang ginawang pansamantalang opisina ng mga hindi rehistrado at hindi reguladong mga operator.

Napag-alaman na ang ginawang pagsalakay na nagresulta sa pag-aresto ng halos isang libong katao, kabilang ang 69 na dayuhan na umano’y sangkot sa ilegal na mga aktibidad ay bunga ng masusing operasyon na pinangunahan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco D. Marbil, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Sidney Hernia, at PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director PMGen. Ronnie Cariaga, kasama ang suporta ng iba pang unit ng pulisya.

Ang matagumpay na pagsalakay ay pagpapakita ng  paninindigan ng PAOCC at PNP na buwagin at puksain ang mga krimen na may kaugnayan sa online scams, ilegal na sugal, at human trafficking.

Dagdag ng PAOCC, dapat na iturn over agad sa Bureau of Immigration (BI) ang mga nahu­ling undocumented na dayuhan para sa tamang proseso at deportation.

Subalit nakakapagtakang tinatanggihan umano ng BI ang mga dayuhan na indikas­yon ng impluwensiya ni alyas Willy.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with