MANILA, Philippines — Halos nasa 300,000 pasahero ang dumagsa sa mga pantalan ngayong Undas.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nabatid na hanggang Oktubre 31 ay nasa 149,300 outbound passengers at 141,036 inbound passengers ang na-monitor nila na nagtungo sa mga pantalan sa bansa.
Nag-deploy naman ang PCG ng 4,146 frontline personnel sa 15 PCG Districts, na siyang nag-inspeksyon sa 1,371 barko at 1,585 motorbancas.
Anang PCG, simula Oktubre 31, hanggang Nobyembre 5, ay nakailalim na sa heightened alert ang lahat ng kanilang districts, stations, at sub-stations kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan dahil sa Undas.