^

Police Metro

Halos 300K pasahero, dumagsa sa mga pantalan ngayong Undas - PCG

Mer Layson - Pang-masa
Halos 300K pasahero, dumagsa sa mga pantalan ngayong Undas - PCG
Samantala, iniulat din ng PCG ang mahigpit na pagbabantay sa isla ng Boracay, ang nangungunang bakasyunan sa bansa.
Philippine Coast Guard / Facebook page

MANILA, Philippines — Halos nasa 300,000 pasahero ang dumagsa sa mga pantalan ngayong Undas.

Batay sa monito­ring ng Philippine Coast Guard (PCG), nabatid na hanggang Oktubre 31 ay nasa 149,300 outbound passengers at 141,036 inbound passengers ang na-monitor nila na nagtungo sa mga pantalan sa bansa.

Nag-deploy naman ang PCG ng 4,146 frontline personnel sa 15 PCG Districts, na siyang nag-inspeksyon sa 1,371 barko at 1,585 motorbancas.

Anang PCG, simula Oktubre 31, hanggang Nobyembre 5, ay nakailalim na sa heightened alert ang lahat ng kanilang districts, stations, at sub-stations kasunod na rin ng ina­asahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan dahil sa Undas.

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with