37K bumbero nakaalerto sa Undas

People patiently clean the graves of their deceased loved ones even though there is still flood and mud in part of the Noveleta Public Cemetery caused by Typhoon Kristine in Barangay Poblacion, Noveleta, Cavite on Thursday.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakaalerto na ang nasa 37,000 bumbero para sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko ngayong Undas 2024.

Nakahanda na ang BFP na magkasa ng “public safety patrols” para i-monitor ang posibleng fire hazards sa mga pampublikong lugar.

May mga nakaset-up na ring Emergency Medical Service stations para agarang tumugon sa anumang pangangailangan sa mga sementeryo.

Nabatid pa sa BFP na idedeploy din dito ang mga medical personnel, first aid supplies, ambulances, at FAST (First Aid Service Team) motorcycles para alalayan ang mga motorista sa major thoroughfares.

Kasunod nito, mu­ling nagpaalala ang BFP sa publiko na maging maingat sa paggamit ng kandila, lighter at pos­poro ngayong Undas upang hindi ito pagmulan ng sunog.

Show comments