^

Police Metro

6 miyembro ng pamilya ni Nueva Ecija Gov. Umali tatakbo sa 2025 elections

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng pamilya ni Nueva Ecija Govermor Aurelio “Oyie” Umali ang tatakbo ngayong 2025 election kabilang na ang dalawang anak nito.

Kaya naman ­kinondena ng grupong Novo Ecijano - Bantay Boto Movement (NE-BBM), isang civic group at election watchdog ang umano’y “paninigurado” o political strategy ng pamilya ni Governor Umali na hindi anya, katanggap-tanggap para sa mamamayan ng Nueva Ecija.

Lumitaw na pinatakbo ng mag-asawang Gov. Oyie at dating governor Zcarina Umali ang kanilang dalawang anak para may humalili sa kanila sa sandaling idiskwalipika sila ng Comelec dahil sa kaso ng katiwalian sa Office of the Ombudsman.

Sa datos ng Comelec, anim na Umali ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa matataas na elective positions sa Nueva Ecija.

Magtatangka ng re-election si Umali na kung saan naghain din sa parehong posisyon ang anak nitong si Patricia Marie, 23 na makakatapat si da­ting General Tinio Mayor Virgilio Bote sa pagka-gobernador.

Sa pagka-vice governor naman, tatakbo ang nakatatandang kapatid ni governor Umali na si Gil Raymond, habang ang incumbent Vice Governor na si Anthony ay tatakbo namang mayor ng Cabanatuan City.

Naghain ng COC si da­ting governor Czarina at anak na si Gabrielle, 25 para sa ­pagka-kongresista ng 3rd District.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with