Patay kay ‘Kristine’, 116 na - NDRRMC

Coast Guard personnel assisting in the evacuation of civillians in Batangas during the onslaught of Severe Tropical Storm Kristine.

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 116 katao ang nasawing mga biktima habang tumaas na rin sa mahigit 6 milyong indibidwal ang apektado sa 17 rehiyon sa bansa sa pinsalang iniwan ng bagyong Kristine.

Sa report ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ariel Nepomuceno, sa 116 naiulat na namatay sa bagyong Kristine, karamihan dito ay mula sa Bicol Region at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at sampu pa lamang ang na-validate o naisyuhan ng sertipikasyon ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Nepomuceno, nasa 39 namang katao ang nawawala at patuloy na pinaghahanap na karamihan ay taga- CALABARZON.

Inihayag ng opis­yal na tumaas na rin sa 1,662, 416 milyon o katumbas na 6,717,755 milyong katao o isang milyong pagtaas ang mga naapektuhan ng bagyong Kristine sa 17 rehiyon.

 

Show comments